Connect with us

Lumang bigas, nanganganib masira; NFA, umapela sa mga LGU na bilhin ang stocks

Lumang suplay ng bigas, nanganganib masira dahil sa mababang benta; NFA, umapela sa mga LGU na bilhin ang mga lumang suplay

National News

Lumang bigas, nanganganib masira; NFA, umapela sa mga LGU na bilhin ang stocks

Nababagalan ang Federation of Free Farmers (FFF) sa distribusyon ng National Food Authority (NFA) ng lumang suplay ng bigas para sa mga lokal na pamahalaan sa bansa.

Ito ay matapos ideklara ng Department of Agriculture (DA) ang ‘food security emergency’ sa bigas kamakailan para maibenta na ng NFA, sa ilalim ng Food Terminal Incorporated (FTI), ang mga bigas na ilang buwan nang nakatengga sa mga bodega.

Pero nababahala ang FFF dahil kakaunti pa lamang sa mga Local Government Unit (LGU) ang nakabili ng bigas sa Metro Manila tanging ang lungsod pa lamang ng San Juan.

Sa susunod pa raw mamimili ang lungsod ng Navotas, Cotabato, at Camarines Sur.

Sa mga probinsya na may malapit na bodega ng NFA, hindi pa rin bumibili ng bigas mula sa ahensya ang ilang LGU.

Ayon sa FFF, posibleng mahirapan ang NFA na makabili ng palay mula sa mga magsasaka dahil sa punong-puno na ang mga bodega nito.

Dagdag pa ng grupo, masisira rin ang mga bigas na pinondohan gamit ang pera ng kaban ng bayan kung hindi ito agad maibebenta.

Posible rin, ayon sa FFF, na hindi bumibili ang mga LGU ng bigas dahil nalalapit na ang panahon ng kampanya para sa halalan.

Dahil dito, nanawagan na ang NFA sa mga LGU na bilhin na ang lumang suplay ng bigas.

Ang panawagang ito ay dumating sa isang kritikal na panahon, lalo na’t papalapit na ang tag-init.

Nais ng NFA na makabili ng mas maraming palay habang tinitiyak na may sapat silang kapasidad sa kanilang mga warehouse para sa susunod na imbentaryo.

Kung maaalala, ibinenta ng NFA nang palugi ang bigas sa halagang P33/kg sa mga LGU, na maaari sanang ibenta sa publiko sa presyong P35/kg.

Nasa 150,000 metric tons ng bigas ang target na maibenta sa mga LGU at GOCC sa loob ng anim na buwan katumbas ito ng 150 milyong kilo ng bigas.

Dahil dito, sa tinatayang P15 na lugi sa bawat kilo, posibleng umabot sa P2.25 bilyon ang kabuuang pagkalugi ng NFA.

More in National News

Latest News

To Top