Connect with us

Lumang taktika ng mga terorista, dapat alam na ng mga otoridad – Pastor ACQ

Lumang taktika ng mga terorista, dapat alam na ng mga otoridad – Pastor ACQ

Kingdom News

Lumang taktika ng mga terorista, dapat alam na ng mga otoridad – Pastor ACQ

September 1, 2023, dakong alas 7 ng umaga habang nagpapatrolya ang 8 Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU) na pinamumunuan ng 1 sundalo ng 85 Infantry Battalion (IB) sa Sitio Pag-asa, Brgy. Mapulot malapit sa hangganan ng Tagkawayan, Quezon at Labo, Camarines Norte, nakasagupa ang mga komunistang teroristang New Peoples Army (NPA) mula sa Bicol.

Gamit ng mga terorista ang Improvise Explosive Device (IED), tinatayang tumagal ng 30 minuto ang palitan ng putok at nagresulta sa pagkasawi ng 5 CAFGU Active Auxiliary at pagkasugat pa ng 3 kasama ang squad leader.

Kaagad namang nadala sa malapit a pagamutan ang mga nasugatan habang patuloy ang pagtugis ng kapulisan at kasundaluhan sa mga nagsitakas na NPA pabalik sa direksyon ng Bicol region.

Ang naging hakbang na ito ng mga NPA ay mariing kinundena ni Quezon Governor Helen Tan.

Aniya ang paggamit ng IED ay labag sa International Humanitarian Law at ng Geneva Convention.

“Kinokondena din natin ang paggamit nila ng land mine na naging hudyat ng kanilang pagsalakay na salungat sa itinatadhana ng International Humanitarian Law at ng Geneva Convention,” ayon kay Quezon Province, Governor Helen Tan.

Sa ngayon ay patuloy ang pakikipag-ugnayan ng lokal na pamahalaan ng Quezon province sa mga otoridad upang mapanatili ang insurgency-free status ng lalawigan ng Quezon.

“Hindi natin papayagan na tuluyang basagin ng armadong pwersa ang katahimikan sa ating probinsya. Tayo ay patuloy na kumikilos at nakikipag-ugnayan sa pinagsamang pwersa ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas, kapulisan, at mga sibilyan upang tiyakin na mananatiling Insurgency-free” ang Probinsya ng Quezon,” dagdag pa nito.

Kaugnay nito sinabi ni Pastor Apollo C. Quiboloy na ang ganitong klaseng taktika ng mga rebeldeng grupo ay matagal nang ginagawa at sana ay magsilbi itong aral sa mga otoridad.

“Always namang ginagawa ng NPA ‘yan. Talagang lahat ng paglabag sa mga international rulings ginagawa niya kasi they are lawless. So, hindi mo naman sila mahabol to put them under the penalty of law kasi nga lawless sila, mga terorista sila. So, ang dapat gawin ng ating military dapat magkaroon na sila ng leksyon na pagka may na encounter na ganyan alamin na nila na may ibinaon ‘yan para less ang mga disgrasya ng mga mangyayari sa mga military natin kasi ang iba hindi pa sila na learn sa tactic ng mga kalaban. Ambushin kayo para habulin kayo alam nila na hahabulin ninyo pero may naka amba na mga IED sa daan na kahit ‘yung truck lilipad ‘yun kasi sa kalakas ng IED nila. So, sana magkaroon ng taktika ang ating military na magkaroon ng leksyon sa mga ganyan,” ayon naman kay Pastor Apollo C. Quiboloy.

Dapat din aniyang mas kundinahin ang mga ginagawa ng mga teroristang grupo at ipinangako ng butihing pastor na mananatili ang SMNI sa mandato nitong tumulong sa pamahalaan sa pagkamit ng kapayapaan sa bansa.

Aniya sa pamamagitan ng programa ng SMNI na Laban Kasama ang Bayan patuloy itong magbibigay ng kaalaman sa mga kabataan at sa publiko upang masugpo na ang terorismo sa bansa na dulot ng CPP-NPA-NDF.

“Lalo nating i-condemn ang ginagawa ng CPP-NPA-NDF na ganitong mga taktika nila sa pagpatay, pag-aambush at teroristang grupo talaga sila na dapat talagang mawala dito sa balat ng ating lupa. What we are doing sa Laban Kasama ang Bayan is educating the people to inform them about the evils of the CPP-NPA-NDF terrorist, pagpapatuloy natin yun at inganyuhin natin ang mga kababayan natin mga estudyante na putulin na natin ang ulo nito once and for all. So, lets just continue our crusade,” dagdag pa ng butihing pastor.

More in Kingdom News

Latest News

To Top