Connect with us

Luzon at Visayas grid, ilalagay sa red alert – NGCP

Luzon at Visayas grid, ilalagay sa red alert – NGCP

National News

Luzon at Visayas grid, ilalagay sa red alert – NGCP

Ilalagay ngayong araw, ika-24 ng Abril, sa red alert ang Luzon at Visayas grid ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Ito ay dahil sa manipis na reserbang kuryente ngayong araw.

Ayon sa NGCP, ang red alert sa Luzon ay nakataas mula 3pm – 4pm ng hapon at yellow alert naman mula 1pm – 3pm at 4pm – 10pm.

Sinabi pa ng NGCP na ang available capacity na 12,241 megawatts (MW) habang nasa 13,463 MW ang peak demand.

Magsisimula naman ang red alert status sa Visayas grid mula 2pm – 5pm at 6pm – 8pm.

Ang Visayas grid ay may available capacity na 2,462 MW at ang peak demand ay 2,525 MW.

Maliban dito ay inilagay naman sa yellow alert ang Mindanao grid mula kaninang 10am – 4pm.

Ang rehiyon ay may available capacity na 2,761 MW habang ang peal demand ay 2,624 MW.

More in National News

Latest News

To Top