National News
Luzon grid, ilalagay sa yellow alert ngayong Lunes
Ilalagay ang Luzon grid sa yellow alert status ngayong hapon May 13 dahil nananatiling naka-forced outage ang 20 power plants.
Ang yellow alert ay inilalabas kung ang operating margin ng contingency requirement ng transmission grid ay hindi na sapat.
Sa anunsyo ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), magsisimula ito alas-2 hanggang alas-4 ng hapon.
Sinabi na ng Department of Energy (DOE) na maraming yellow at red alerts sa susunod na mga linggo dahil sa nararanasang El Niño.
