Connect with us

Luzon-wide Enhanced Community Quarantine, pinalawig hanggang Abril 30

Cagayan de Oro City

Breaking News

Luzon-wide Enhanced Community Quarantine, pinalawig hanggang Abril 30

Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalawig ng enhanced community quarantine sa buong Luzon hanggang sa Abril 30.

Kinumpirma ito ni Cabinet Secretary at Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) Spokesperson Karlo Nograles sa isang virtual presser.

Ayon kay Nograles, ang lahat ng exemptions na ibinigay ng Office of the President o ng IATF ay magpapatuloy sa kasagsagan ng extended Luzon-wide quarantine.

Sinabi ng Cabinet Sec. na nasa pangulo na ang discretion na i-relax ang ECQ sa ibang lugar at i-exempt ang ibang sektor depende sa public health consideration at food security.

Nito lamang ding umaga nang sabihin ni Sec. Nograles na pormal nang inirekumenda ng IATF ang pagpapalawig ng ECQ.

Una nang nanawagan si Vice President Leni Robredo at iba pang mambabatas na palawigin ang ECQ na magtatapos na sa Abril 13 para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

More in Breaking News

Latest News

To Top