Connect with us

Mababang foreign direct investment nitong Hunyo, ipinaliwanag

Mababang foreign direct investment nitong Hunyo, ipinaliwanag

National News

Mababang foreign direct investment nitong Hunyo, ipinaliwanag

Muling bumagsak ang naitalang halaga ng foreign investments sa bansa nitong buwan ng Hunyo ngayong taon.

Ayon sa ulat ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), umabot lang sa $394M ang net foreign direct investment (FDI) sa naturang buwan.

Mas mababa ito sa halaga ng foreign investment sa bansa noong nakaraang taon na nasa $555M.

Ito rin ang pinakamababang net FDI mula noong Abril 2020 o sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Ipinaliwanag naman ng ekonomistang si Dr. Michael Batu ang isang dahilan kung bakit bumababa ang foreign direct investment ng isang bansa. “Meron tayong tinatawag na external factors at mayroon tayong tinatawag na internal o domestic factors.

Halimbawa sa external factors, nand’yan na yung halimbawa kung ano yung lagay ng mga malalaking economy kasi tandaan natin na itong mga FDI ay nanggagaling sa mga ibang bansa.

So, kung ano iyong lagay ng ekonomiya nila ay maaapektuhan din tayo through the FDI in-flows.”

Kabilang rin aniya sa external factors ang lagay ng geopolitical tension sa ibang bansa at climate change.

Pagdating naman sa internal o domestic factors, aniya, “Nand’yan yung mga issue patungkol sa governance, political stability. ‘Yung mga polisiya ng bansang Pilipinas na patungkol sa pag-i-invest, ease of doing business at economic stability.”

Kabilang rin ani Batu ang mataas na crime rate sa dahilan kung bakit ayaw mamuhunan ng mga dayuhan sa isang bansa.

Binigyang-diin niya na hindi lang ito nagdudulot ng takot sa foreign investors kundi maging sa mga turista na nais bumisita sa bansa.

Mapapansin sa report ng Numbeo, ilang lungsod sa Pilipinas ang may mataas na crime index at numero uno dito ang lungsod ng Maynila.

More in National News

Latest News

To Top