Connect with us

Mababang kapulungan, hindi papayag na makabalik sa ere ang ABS-CBN

Mababang kapulungan, hindi papayag na makabalik sa ere ang ABS-CBN

National News

Mababang kapulungan, hindi papayag na makabalik sa ere ang ABS-CBN

Hindi papayagan ng mababang kapulungan na makabalik sa ere ang ABS-CBN.

Sa panayam ng Sonshine Radio kay Cavite 7th District Rep. Boying Remulla, sinabi nito na dadaan pa sa mahaba-habang usapan bago ito payagang muli.

Kasunod ang komentong ito ni Remulla sa inihaing panukala ni Sen. Franklin Drilon na naglalayong mapigilan ang pag-expire ng prangkisa ng isang entity hangga’t wala pang pinal na desisyon ukol sa nakahain na nilang renewal.

Ayon kay Remulla, halatang may malaking pinanghuhugutan si Drilon dahil isa ito sa haligi ng Liberal party.

Ang ABS-CBN naman ay isang supporter ng Liberal party.

Ayon pa kay Remulla, nagmimistula pang tinanggal ng Senado ang exclusive power ng mababang kapulungan hinggil sa usapang renewal ng prangkisa.

More in National News

Latest News

To Top