Connect with us

Mababang presyo ng bigas, lubos na mararamdaman sa 2025

Mababang presyo ng bigas, lubos na mararamdaman sa 2025

National News

Mababang presyo ng bigas, lubos na mararamdaman sa 2025

Sa Enero 2025 pa lubos na mararamdaman ng publiko ang mababang presyo ng bigas dahil sa tariff reduction sa mga imported.

Ayon sa Department of Agriculture (DA), bago ang Enero 2025 ay inisyal namang mararamdaman ang epekto nito ngayong Oktubre.

Matatandaang mula sa 35% ay nagiging 15% nalang ang taripa sa imported na mga bigas kung kaya’t mas dumarami na ang dumating nito sa bansa.

Sa ngayon, nananatili pang nasa P50 per kilo ang halaga ng locally-produced at imported rice sa ilang mga pampublikong pamilihan sa Metro Manila.

Ngunit sabi nga ng DA, magsisimula na ang pagbaba ng presyo nito sa susunod na buwan.

More in National News

Latest News

To Top