International News
Mabilis na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa South Korea, Italy, Iran, ikinababahala ng WHO
Ikinababahala ngayon ng World Health Organization (WHO) ang mabilis na pagtaas ng kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa labas ng bansang China.
Batay sa report ng South Korea government, umabot ng higit 700 katao ang naitalang apektado ng virus kung saan 6 na ang kumpirmadong namatay na dahilan naman para itaas ang high alert sa bansa.
Naitala naman ang 150 kaso sa Italy kung saan 3 ang nasawi habang 50, 000 katao ang inilagay sa quarantine.
Samantala, kinumpirma naman ng Iran na umabot na sa 43 katao ang apektado sa coronavirus kung saan 8 na ang namatay.
Ayon sa WHO, walang direktang koneksyon ang naturang mga bansa sa China dahilan upang ikabahala ang paglobo ng naturang kaso ng virus.
Sa ngayon, umabot na sa higit 2,4oo ang nasawi habang higit 76,000 ang nagpositibo sa naturang sakit.
