National News
Mabilis na transmission ngayong eleksyon, resulta ng pinabuting pasilidad — Comelec
Naging mabilis ang transmission ng election results ngayong halalan dahil sa pinabuting pasilidad ng Commission on Election (COMELEC).
Ayon sa tagapagsalita ng komisyon na si Acting Spokesperson John Rex Laudiangco, mas maayos ang ginagamit nila ngayong pasilidad kumpara sa ginamit noong 2019 midterm election.
Kasama dito ang pinabuting program, pinataas na kalidad ng sd cards; at magagaling na poll workers at technicians.
Tiniyak din ni Laudiangco na lahat ng kanilang inilalabas na numero ay tama.