National News
‘Mabubuhay ang military force kahit wala ang VFA’ – AFP chief Santos
Mabubuhay ang Armed Forces of the Philippines kahit wala ang kasama ang Estados Unidos.
Ito ang iginiit ni Armed Forces of the Philippines chief Felimon Santos Jr. sa isang panayam sa Senado kaugnay ng pagkalas ng Pilipinas sa VFA.
Inihalintulad naman ni Santos ang pagkalas ng Pilipinas sa military bases agreement kasama ang Estados Unidos noong 1992 na kung saan ay nanatiling matatag pa rin ang military forces ng bansa.
Ayon pa kay Santos, kayang palakasin ng Pilipinas ang sarili nitong military forces na hindi umaasa sa VFA sa pamamagitan ng gagawing pagpopondo para sa modernisasyon sa AFP.
Maliban diyan ay maaari ring palakasin ng bansa ang state agreement kasama ang Japan at Australia maging sa South Korea para makatulong sa ating intelligence at military forces.