Connect with us

Mabusising review ng 2021 budget, tiniyak ng minorya sa Kamara

National News

Mabusising review ng 2021 budget, tiniyak ng minorya sa Kamara

Siniguro ni House Minority Leader Benny Abante na mahigpit nilang babantayan ang pagtalakay sa 2021 budget.

Ayon kay Abante, hahanapin nila ang mga item sa budget na hindi naman kailangan.

Sa halip, susuriin nila ang mga proyekto at program na mas kinakailangan ng malaking pondo lalo na ngayong may pandemya.

Ani Abante, “Let me stress that while we are grateful to the Executive for preparing this budget and we respect the work they have put into it, we as legislators are duty-bound to review the budget, reassess the priorities and line items, if necessary, and reallocate funds to other programs and projects that we believe require additional financial resources.”

Giit ni Abante na ngayong may COVID-19 pandemic, dapat matiyak na lahat ng pondo ng gobyerno ay napupunta sa mga dapat makatanggap nito.

“However, if the pandemic is the rationale behind fast-tracking the budget, it is also the rationale behind making sure that every centavo the government spends is spent the right way, for the programs that we genuinely need, for the sectors that need them the most.”

Sa unang tingin, tila maayos ang priority programs sa ilalim ng 2020 budget pero ayon kay Abante “the devil is in the details” kaya mahalaga na masuri ang nilalaman ng pambansang pondo.

Samantala, para matiyak ang malinis na budget discussion, tinitignan naman ng liderato sa Kamara ang paggawa ng isang message board at social media account para sa people’s participation sa 2021 budget.

Nauna nang sinabi ni House Speaker Alan Peter Cayetano na may partisipasyon na ang taumbayan sa budget process.

Ngayong linggo, isasapinal ng house leadership kung papaano ang mechanics ng nasabing hakbang.

More in National News

Latest News

To Top