Connect with us

Magagaling na leader, nahuhubog sa ROTC

Magagaling na leader, nahuhubog sa ROTC

National News

Magagaling na leader, nahuhubog sa ROTC

Nahuhubog sa Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) ang magagaling na leader sa isang bansa.

Ito ang positibong resulta ng ROTC ayon kay .

“Andito sa ROTC program kasama ang BCMT, dito nahuhutok ang ating disiplina yung patriotism natin, nakaka-develop tayo ng good leaders, nade-develop ang indibidwal na mag-lead ng mga tao kumbaga maka-develop pa ng spirit of voluntarism at ‘yung katatagan, katatagan natin kahit na anumang sakuna ang umabot sa ating buhay ay kaya natin itong labanan,” ani Philippine Army Reserve Command Commander MGen. Fernando Felipe.

Maliban pa dito, napapatatag pa ang disiplina at pagiging makabayan ng isang indibidwal.

Ipinunto rin ni MGen. Felipe na kinakailangang mabuksan ngayon ang kaisipan ng mga kabataan laban sa mga masasamang grupo gaya ng CPP-NPA-NDF.

Samantala, ibinahagi ni Felipe na may privileges rin na kaakibat ang pagiging isang reservist.

Ilan aniya dito ay sa social services gaya ng medical center na ipinapatayo ng Reserve Command Philippine Army kung saan maaaring maka-access ang reservist.

Hindi rin aniya sasailalim sa mahigpit na security protocols kung maipapakita nito ang kanilang IDs.

Maaari rin silang maka-avail ng discounts sa commissary.

More in National News

Latest News

To Top