Connect with us

Magiging SONA ni BBM, puro kasinungalingan lamang – labor sector

Iba't ibang sektor ang nakilahok sa People’s SONA sa Liwasang Bonifacio sa lungsod ng Maynila, araw ng Sabado, Hulyo 20, 2024.

National News

Magiging SONA ni BBM, puro kasinungalingan lamang – labor sector

Iba’t ibang sektor ang nakilahok sa People’s SONA sa Liwasang Bonifacio sa lungsod ng Maynila, araw ng Sabado, Hulyo 20, 2024.

Kabilang sa naglabas ng kanilang hinaing laban sa administrasyong Marcos ang professional sector sa pangunguna ni Butch Baliao mula sa grupong Architects of the 80’s.

Hinaing nila, mas inuna pa ng Marcos administration ang paggasta sa pagpapatayo ng mga istraktura na hindi gaanong kailangan kaysa sa pagtugon sa food security ng bansa.

Panawagan pa nito kay BBM, kung hindi nito kayang pababain ang mga presyo ng bilihin ay siya na lang ang bumaba sa puwesto.

Sa huli, sinabi niyang sana’y marinig ni BBM ang mga hinaing ng mga Pilipino.

Dahil kung hindi, patuloy aniyang mag-ingay ang lahat hanggang pansinin ng pangulo ang sigaw ng mga mamamayan.

Sa kabilang dako, nagsalita rin sa People’s SONA ang labor sector sa pangunguna ni Ed Laurencio, ang Secretary General ng Association of Genuine Labor Organizations (AGLO).

Ayon kay Laurencio, ang PEOPLE’s SONA ang tunay na SONA ng sambayanang Pilipino.

Ang SONA ni BBM sa araw na ito ng Lunes ay tinawag nitong puro kasinungalingan lamang.

Binanggit pa niya ang pahirap ng gobyerno sa hanay nilang mga manggagawa.

Pinuna rin ni Laurencio ang kakarampot na inaprubahang P35 na umento sa sahod sa National Capital Region.

Samantala, nanawagan naman si Mus Lidasan ng Muslim sector sa pagkakaroon ng developing and implementing government programs sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Si Lidasan ay naitalaga noon bilang isang commissioner sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at isa sa gumawa o sumulat ng Bangsamoro Basic Law, na naging Bangsamoro Organic Law.

Ibinahagi ni Lidasan na noong panahon na iyon, nabawasan ang tinatawag na vertical conflict o ang away ng gobyerno at ng rebelde.

Pero ngayon, isiniwalat ni Lidasan ang totoong sitwasyon ng Muslim sector sa bansa.

Aniya, tumaas ang horizontal conflict, ito ay ang away ng pamilya, away ng mga magkapitbahay, away ng Muslim at ng ibang Muslim.

 

 

 

 

More in National News

Latest News

To Top