Connect with us

Magnitude 7.7 na lindol, tumama sa Mexico

Magnitude 7.7 na lindol, tumama sa Mexico

International News

Magnitude 7.7 na lindol, tumama sa Mexico

Niyanig ng magnitude 7.7 na lindol ang West Central Mexico na nagsanhi sa pagkamatay ng isang katao at pagkasira ng ilang gusali.

Ayon kay Mexican President Andres Manuel Obrador, namatay ang isang tao matapos na gumuho ang dingding ng isang shopping center sa Manzanillo, isang beach resort sa Western Colima State.

Nakikipag-ugnayan na ang pangulo sa mga gobernador ng bawat estado na pinakaapektado ng lindol.

Ayon sa National Seismological Service (SSN), ang epicenter ng bagyo ay nasa 63 km timog ng Coalcoamn, sa Michocoan na may lalim na 15 kilometro.

Ayon sa Federal Electricity Commission (CFE), nasa 1.2 milyong katao ang nawalan ng kuryente sa Mexico City, katabi nitong lugar na Michoacan, Colima at Jalisco.

Nangyari ang paglindol ilang saglit lamang matapos ang annual nationwide earthquake drill upang alalahanin ang kagimbal-gimbal na lindol na tumama sa Mexico City na nagresulta sa pagkamatya ng libu-libong katao at pagguho ng maraming gusali.

Continue Reading
You may also like...

More in International News

Latest News

To Top