National News
Pagbisita ni FPPRD kay President Xi, magpapalamig sa hidwaan sa pagitan ng Pilipinas at China – Atty. Roque
Magpapalamig sa pinalalalang hidwaan sa pagitan ng China at Pilipinas ang ginawang pagbisita ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kay President Xi Jinping sa Beijing.
Ito ang sinabi ni dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque sa kanyang programa sa SMNI News.
Ayon kay Roque, alam ni President Xi na sinikap talaga ni dating Pangulong Duterte na maging maayos ang relasyon ng Pilipinas at China dahil magkapitbahay lang ang mga ito.
Sa kabila nito ay makikita namang bumabawi si Pangulong Bongbong Marcos Jr. sa China kahit pa na marami sa kaniyang mga adviser ay pabor sa Estados Unidos.
Ipinunto pa ni Roque na ang Pilipinas at China ay matagal nang may ugnayan bago pa man dumating ang mga Amerikano sa Asya.
