Metro News
Magulang at estudyante sa ilang paaralan sa EMBO barangay, naguguluhan at nalilito sa unang araw ng klase
Naguguluhan at nalilito sa unang araw ng klase ang mga magulang at estudyante sa ilang paaralan dito sa EMBO barangay.
Tuwing 1st day of class, kadalasang nararamdaman ng mga estudyante at mga magulang ay excitement.
Pero sa Fort Bonifacio High School na isa sa mga labing-apat na paaralan na apektado ng Taguig-Makati dispute, kalituhan ang nangingibaw sa mga mag-aaral at mga magulang.
Ilan sa mga tanong ng mga bata ay kung anong uniform ang susuutin at anong address ang gagamitin.
Sa ngayon, iba’t iba ang hiling ng mga magulang.
Mayroong nagsabi na sana ay masettle na ang isyu sa pagitan ng Taguig at Makati habang iba naman ang hiling ay sana ay magpapaubaya na ang Taguig sa Makati.
Upang masiguro ang maayos na pagsisimula ng unang araw ng klase sa 14 na paaralan na apektado ng Taguig-Makati dispute, ininspeksyon ng Department of Education (DepEd) ang mga nasabing paaralan.
Ayon kay Asec. Francis Bringas, na so far sa kaniyang pag-iikot sa ilang eskwelahan ay maayos naman ang 1st day of class.
Dagdag ni Bringas na nagkaroon na ng pagpupulong nakaraang linggo ang transition committee para masigurong maayos ang pagbubukas ng mga klase sa 14 na EMBO schools.
Ang transition committee ay binubuo ng regional director na naka-assign sa labas ng Metro Manila, DepEd Schools Division Superintendent ng Taguig-Pateros at Makati City at mga city legal officer ng 2 lungsod.
Isa naman sa mga hamong kinakaharap ng transition committee ani Bringas ay ang pag-inventory ng mga pasilidad at mga kagamitan sa mga nasabing eskwelahan.
