Connect with us

Magulo ang bansa kung mananalo si BBM o Leni – Pacquiao

Magulo ang bansa kung mananalo si BBM o Leni - PacquiaoMagulo ang bansa kung mananalo si BBM o Leni - Pacquiao

National News

Magulo ang bansa kung mananalo si BBM o Leni – Pacquiao

Magiging magulo ang bansa kapag mananalo ang dalawang kandidato na nangunguna sa pre-election surveys.

Ito ang patutsada ni Senator Manny Pacquiao sa kanyang mga kalaban sa pagkapangulo bagama’t hindi nito pinangalanan.

Ayon kay Pacquiao, magiging magulo ang bansa dahil hindi papayag ang kabilang grupo na ang isa ang maluluklok sa pwesto.

Sinabi pa nito na ito ang dahilan kung bakit naghihirap ang mga Pilipino.

Iprenisinta naman nito ang sarili bilang alternatibong kandidato at siya aniya ang nagsisilbing rebolusyon para sa mga mahihirap.

Umapela rin si Pacquiao sa mga botante na huwag siyang ikumpara sa ibang presidential aspirants.

Kung mananalo naman ito ay agad nitong ipatutupad ang proyektong pabahay para sa mga nangangailangang Pilipino.

More in National News

Latest News

To Top