Connect with us

Mahigit ₱2M halaga ng tanim na marijuana, sinira sa Benguet

Mahigit ₱2M halaga ng tanim na marijuana, sinira sa Benguet

National News

Mahigit ₱2M halaga ng tanim na marijuana, sinira sa Benguet

Aabot sa 13K piraso ng tanim na marijuana na nagkakahalaga ng aabot sa ₱2M ang binunot at sinira ng mga otoridad sa Sitio Sayangan, Barangay Kayapa, Bakun, Benguet.

Sa pamamagitan ng pinagsanib na pwersa ng mga operatiba mula sa PDEA RO I – Regional Special Enforcement Team (PDEA RSET), Bakun Police Station, PDEA La Union Provincial Office (PDEA LUPO), at PDEA Cordillera Administrative Region–Benguet Provincial Office (PDEA CAR–BPO), naging matagumpay ang ginawang operasyon.

Base sa ulat ng mga otoridad, ang libu-libong tanim na marijuana ay mula sa tatlong plantasyon na may kabuuang lawak na aabot sa 2,100 square meters.

More in National News

Latest News

To Top