National News
Mahigit ₱6M na halaga ng shabu, nakumpiska sa Lapu-Lapu City
Isang 30-anyos na residente ng Barangay Guadalupe, Cebu City ang naaresto ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) 7 Regional Special Enforcement Team (RSET), kasama ang PNP Drug Enforcement Group/Special Operations Unit 7, Lapu-Lapu City Police Office Station 3 sa isinagawang buy-bust operation sa Sitio Camansi, Barangay Pajo, Lapu-Lapu City.
Nakumpiska sa operasyon ang 1 vacuum-sealed na plastic pack na naglalaman ng shabu na tinatayang tumitimbang ng 1K gramo at may tinatayang halagang ₱6.8-M.
Nakuha rin ang buy-bust money, 1 cellphone, at iba pang kagamitan.
Kinilala ng mga otoridad ang nahuling suspek na si alyas Daryl, 30, walang trabaho, at residente ng Guadalupe, Cebu City.
Isinailalim na sa chemical analysis at tamang disposisyon ang nakuhang ebidensyang droga sa laboratoryo ng PDEA 7 Regional Office.
Kasong paglabag sa Section 5, Article II ng RA 9165 ang isasampa laban sa nahuling suspek na kasalukuyang nasa kustodiya ng PDEA 7.
