National News
Mahigit 1-M benepisyaryo ng 4’Ps ng DSWD, na-verify na gamit ang National ID
Iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na higit 1-M benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4’Ps) ang kanilang na-authenticate sa pamamagitan ng National ID.
Sa datos ng PSA may kabuuang 1, 010, 464 mga benepisyaryo ng 4P’s ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang matagumpay na na-verify sa pamamagitan ng nasabing ID.
Sa panahon ng Family Development Sessions ang mga benepisyaryo ay sumasailalim sa fingerprint scanning at ikinukumpara sa rehistro ng National ID para sa pagkakakilanlan.
Maliban sa mga serbisyong biometric authentication, nag alok din ang PSA ng iba pang mga serbisyo tulad ng pagpaparehistro at paglabas ng ePhilID na kapwa may kaparehong kakayahan at bisa tulad ng pisikal na card.
