COVID-19 UPDATES
Mahigit 1,000, lumabag sa ECQ sa Cavite
Published on
Umabot sa 1,256 ang bilang ng mga lumabag sa umiiral na enhanced community quarantine sa Cavite.
Sa nasabing bilang, 336 ang lumabag sa ipinatutupad na curfew, 12 ang lumabag sa liquor ban, 16 dahil sa kawalang kooperasyon sa otoridad at 892 ang naharang sa checkpoints dahil walang barangay quarantine pass.
Ilan sa mga lumabag sa ECQ ay kinasuhan at pinagmulta habang ang iba ay sasailalim sa community services at spiritual empowerment.
Habang 35 drug suspects ang naaresto sa Cavite City, General Trias City, Dasmariñas City, Bacoor City, Tanza, at Imus City kung saan nasamsam ang 11 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit P75-Million.
Continue Reading
Related Topics:barangay quarantine pass, enhanced community quarantine, lumabag sa umiiral na enhanced community quarantine