Regional
Mahigit 15,000 indibidwal sa Rodriguez, Rizal, nananatili pa rin sa evacuation centers
Aabot pa rin sa 3,420 na pamilya ang pansamantalang nanatili sa mga evacuation centers sa Montalban o Rodriguez, Rizal.
Batay sa tala ng lokal na pamahalaan ng Montalban, katumbas ito ng kaubuuang 15,182 katao na nanunuluyan pa rin sa evacuation centers.
Pinakamaraming bilang ng evacuees ay naitala sa E. Rodriguez Elementary School na nasa mahigit 5,400 indibidwal.
Pansamantala namang dinala ang mga alagang aso sa dog impounding are ng bayan matapos ipagutos ni Mayor Tom Hernandez ang pag-alis ng mga ito sa evacuation centers.
Layon nito na matiyak ang kalinisan ng mga lugar na tinutuluyan ng evacuees.
Tiniyak naman ng alkalde na agad na ibabalik sa may-ari ang mga alaga nito oras na maayos na at makabalik na sa kanilang tahanan.
