Nagkaroon ng situation briefing ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kasama ang iba pang ahensiya sa Camp Aguinaldo sa Quezon City nitong Miyerkules.
Ito ay may kaugnayan sa epekto ng pananalasa ng bagyong Kristine.
Sa nasabing briefing, iniulat ng Office of Civil Defense (OCD) na ang malakas na ulan na dala ng bagyong Kristine ay nagdulot ng malawakang pagbaha sa maraming lugar sa Bicol.
Apektado rito ang mahigit 150,000 residente, base sa pinakahuling assessment.
Ayon kay OCD Dir. Maria Agnes Palacio, “And in terms of casualties, very minimal as of this point in time. And there was already the suspension of classes and the declaration of state of calamity.”
Sa Camarines Sur, sinabi ng mga lokal na opisyal na 300 sa 600 barangay ang binabaha dahil sa patuloy na pag ulan.
Binigyang-diin ng OCD ang pangangailangan ng masusing pagsubaybay sa mga apektadong lugar dahil sa mga pinsala sa agrikultura at kabuhayan.
Kaugnay ng agarang pagtugon, naghanap ang OCD ng mas maraming rubber boats at water search and rescue equipments para sa logistics at evacuation mula sa mga binahang lugar.
Samantala, inihayag ng OCD na nakikipag-ugnayan na rin sila sa iba pang mga lugar partikular sa Western at Central Visayas regions para sa pagbibigay din ng rubber boats bilang augment rescue efforts sa mga nasabing rehiyon.
Ayon naman kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian, nagdi-deploy sila ngayon ng water filtration system sa bawat evacuation center, depende sa bilang ng evacuees.
“So, they cluster let’s say three rooms, depending on how many are inside a room. Iyong the one I showed you was parang a hundred… Same, same na same, sir.”
Ang water filtration system ng MMDA ay 6,000 liter per day machine. Nagprocure din ang gobyerno ng 34 na katulad na makina para i deploy sa mga lugar na nangangailangan ng naturang kagamitan.
Sa kabilang banda, sinabi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na napanatili nila ang dalawang milyong kabuuang bilang ng stockpiled goods sa buong bansa.
Sa kanilang Visayas hub, nasa 250,000 ang nakalaang family food packs.
Para sa rehiyon ng Ilocos, mahigit 93,000 ang available food packs; Cagayan Valley region na may mahigit 109,000; Gitnang Luzon na may mahigit 170,000; at mahigit 101,000 para sa Calabarzon at Mimaropa.
Ibinahagi pa ni Gatchalian na halos 162,000 ang available food packs sa Bicol region.
“NROC is our Pasay hub. So, we have aroundd 176,000
“We started distributing already and we continue to distribute. Now, we are already in the replenishment stage.
“Our Pasay hub is running at 20,000 a day, so that when the stockpiles of these offices go down, we can keep on sending them,” ani Gatchalian.