National News
Mahigit 300 police personnel na may kaanak na tatakbo sa BSKE, ililipat ng assignment – PNP
Kinumpirma ng Philippine National police (PNP) ang re-assignment ng aabot sa 327 pulis na may kaanak na tatakbo sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ngayong taon.
Ayon sa tagapagasalita ng PNP na si Police Colonel Jean Fajardo, paraaan ito para maiwasan umano ang spekulasyon nang pang-iimpluwensya sa paparating na lokal na haalan.
Samantala, bukod sa mga may mga kaanak, kasama rin sa re-assignment ang mga pulis na mapatunayang umano’y may malapit na kaibigan na isang kandito.
Ayon sa PNP, maaari naman itong ikonsidera sa ngayon, maaari pang mabago ang bilang ng re-assignments sa mga pulis depende sa kalalabasan ng filing ng certificate of candidacy (COC) sa darating na Lunes, August 28, 2023.
Nauna nang pinayuhan ni PNP Chief PGen. Benjamin Acorda na iwasan ng mga kasamahan nito sa organisasyon na huwag masangkot sa “partisan politics”.
