National News
Mahigit 31K PDLs sa buong bansa, boboto ngayong eleksyon — BJMP
Boboto ngayong eleksyon ang mahigit 31K Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa buong bansa.
Nasa 400 special precincts ang matatagpuan sa loob ng mga kulungan ayon sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).
Maliban dito ay may humigit-kumulang 1K PDLs din ang pinayagang bumoto sa kani-kanilang mga regular na polling precinct sa labas ng pasilidad ng BJMP.
Nilinaw naman ng BJMP na may nauna nang kasunduan kung saan ang mga PDL na boboto sa labas ay sasamahan ng mga escort mula sa Philippine National Police (PNP) at BJMP.
Nasa 80 PDL nga lang ang hindi makaboto sa darating na halalan dahil ilan sa kanila ay hindi rehistradong botante habang ang iba ay mga bagong pasok pa sa mga kulungan.
