National News
Mahigit 400K households, maaari nang mapasama sa 4Ps
Maaari nang mapasama sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang mahigit 400K households na kasama sa waitlist.
Ito’y matapos ang validation ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Nilinaw lang ng ahensya na tuluyang mapapasama ang mga ito kung magkakaroon na ng available slots sakaling may ga-graduate na kasalukuyang benepisyaryo sa programa.
Taong 2023 nang isinailalim sa reassessment ang mga benepisyaryo ng 4Ps.
