Connect with us

Mahigit 500 PDLs, napalaya nitong Hunyo 2024

Mahigit 500 PDLs, napalaya nitong Hunyo 2024

National News

Mahigit 500 PDLs, napalaya nitong Hunyo 2024

Mayroong higit 500 na Persons Deprived of Liberty (PDLs) ang pinalaya ng Bureau of Corrections (BuCor) mula sa kanilang prison facilities nitong Hunyo.

Sa naturang bilang, nasa 300 ang nakapagsilbi na ng kanilang maximum sentence; 100 ang pinawalang-sala; halos 100 rin ang nabigyan ng parol; 20 ang binigyan ng probation; at 1 ang binigyan ng conditional pardon.

Sa kabuoan, mahigit 14.6-K na ang napalaya na PDLs mula ng manungkulan si Pangulong Bongbong Marcos Jr. noong June 2022.

Kaugnay nito ay ipinangako ng BuCor na magpapatayo pa sila ng maraming prison facilities para ma-decongest ang mga pasilidad na sobra-sobra ang PDLs.

More in National News

Latest News

To Top