Connect with us

Mahigit 6K estudyante ng Jose Maria College, balik face-to-face na

Mahigit 6K estudyante ng Jose Maria College, balik face-to-face na

Kingdom News

Mahigit 6K estudyante ng Jose Maria College, balik face-to-face na

Balik face-to-face classes na ngayong araw, Setyembre 16, 2024 ang mga mag-aaral sa Jose Maria College Foundation Inc. (JMCFI).

Ito ay matapos maantala ang pag-aaral ng mga bata dahil sa nangyaring paglusob ng mga kapulisan sa KOJC Compound sa Davao City na tumagal ng 16 na araw o mahigit dalawang linggo.

Bukod sa mga bata, masaya rin ang mga magulang na nakabalik na sa pag-aaral ang kanilang mga anak.

May be an image of 5 people, people studying, hospital and text

May be an image of 11 people, child and street

Ngayong araw rin isasagawa ang culmination ng Buwan ng Wika sa JMCFI kung saan ilang programa ang inihanda ng paaralan para sa mga estudyante nito.

May be an image of 2 people and text

Sa kabilang banda, isang Freedom Wall o Pader ng Kalayaan ang ipinaskil ng mga guro sa loob ng JMCFI kasabay ng pagbabalik eskwela ng mga mag-aaral nito.

Sa nasabing pader ay isa-isang nagpahayag ang mga mag aaral ng kanilang kasiyahan sa pagbabalik sa paaralan matapos itong kubkubin ng mga pulis.

Bukod sa mensahe ng pasasalamat, mayroon ding mga mensahe ng kalungkutan matapos na maapektuhan ang kanilang kalayaan sa pagkamit ng de kalidad na edukasyon.

May be an image of text

May be an image of heart and text

May be an image of text

May be an image of text

Subalit sa kabila nito, may nagpaabot rin ng pasasalamat sa founder ng JMCFI na si Pastor Apollo C. Quiboloy.

May be an image of text

More in Kingdom News

Latest News

To Top