Connect with us

Mahigit 7, 700, pasado sa 2024 nurse licensure exam – PRC

Mahigit 7, 700, pasado sa 2024 nurse licensure exam – PRC

National News

Mahigit 7, 700, pasado sa 2024 nurse licensure exam – PRC

Pasado ang mahigit 7, 700 mula sa 11, 116 na kumuha ng pagsusulit sa 2024 nurse licensure examination ayon sa Professional Regulation Commission (PRC).

Lumabas ang resulta matapos ang 4 na araw ng exam.

Nakuha ni Abigail Escueta ng St. Jude College-Dasmarinas, Cavite ang highest score na 92.60% na sinundan ni Jim Jerico Cedric Garo Uy mula sa St. Paul University – Tuguegarao sa score na 91.80%.

3 paaralan naman ang nakakuha ng 100% passing rate na kinabibilangan ng Cavite State University, Southern Luzon State University – Lucban and University of Mindanao – Davao City.

Isinagawa ang exam mula May 6 hanggang May 7 sa testing center sa Metro Manila, Baguio, Butuan, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Koronadal, Legazpi, Lucena, Pagadian, Pampanga, Rosales, Tacloban, Tuguegarao, Zamboanga and Puerto Princesa, Palawan.

More in National News

Latest News

To Top