International News
Mahigit 800 wildfires, naitala sa Italy
Mahigit sa 800 wildfire ang naitala ngayong weekend sa bansang Italy.
Ito ay kasunod ng pagsiklab ng apoy sa mahigit 20K ektarya ng gubat, olive grove at mga pananim sa Sardinia.
Bukod dito, ayon sa fire service, sa nakalipas na 24 oras, 250 sunog ang sumiklab sa Sicily, 130 sa Puglia at Calabria, 90 sa Lazio, at 70 naman sa Campania.
Dahil dito, nasa 800 katao na ang inilikas.
Samantala, sumiklab din ang wildfire sa iba pang bahagi ng South-Eastern Europe kabilang na ang Spain, Greece at Turkey.