National News
Mahigit 8K kaso ng COVID-19, naitala sa loob ng 6 na araw
Nakapagtala ng 8,032 na panibagong kaso ng COVID-19 ang bansa ayon sa Department of Health (DOH).
Ito ay mula Nov. 21-Nov.27, 2022.
Ang daily average case ngayong linggo ay nasa 1, 147.
Ayon sa kagawaran, ito ay mas mataas ng 0.3% kung ikukumpara sa mga kaso mula Nobyembre 14 – Nobyembre 20.
Noong ika-27 ng Nobyembre 2022, ay mayroong 599 na malubha at kritikal na pasyente na naka-admit sa mga ospital dahil sa COVID-19.