Connect with us

Mahigit P1-M halaga ng shabu, nasabat sa magkahiwalay na operasyon ng PNP sa Caloocan City

Mahigit P1-M halaga ng shabu, nasabat sa magkahiwalay na operasyon ng PNP sa Caloocan City

National News

Mahigit P1-M halaga ng shabu, nasabat sa magkahiwalay na operasyon ng PNP sa Caloocan City

Tagumpay ang operatiba ng Caloocan City matapos masabat ang mahigit P1-M halaga ng shabu sa 2 magkahiwalay na anti-illegal drugs operation sa lungsod.

Open photo

Pasado alas-3 ng madaling araw kahapon nang masakote sa buy bust operations ang 2 suspek na sina alyas Boss 18 anyos tubong Caloocan at alyas baliw 27 anyos na taga Quezon City nang mahulihan ang mga ito ng P368-K halaga ng shabu katumbas ng 54,20 grams.

Habang isang alyas Jojo 54 anyos residente rin Caloocan ang nahulihan naman ng P684K halaga ng shabu habang may transaksyon sa Phase 3, Barangay 175, Camarin kaninang madaling araw Mayo 20.

Open photo

Naaresto ang mga suspek at sinampahan ng kaukulang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o’ Comprehensive Dangerous Act.

Kasabay nito muling nagbabala ang PNP sa mga sangkot sa iligal na droga na itigil na ang iligal na gawain kasabay ng pagtugis sa kanila.

Continue Reading

More in National News

Latest News

To Top