National News
Mahigit sa 50-K puno ng full grown marijuana, winasak sa Kalinga
Tinatayang humigit kumulang sa P10-M halaga ng marijuana ang winasak ng pinagsanib na puwersa ng Philippine National Police Drug Enforcement Group (PDEG) at Kalinga Provincial Police Office (PPO).
Ito’y matapos salakayin at sunugin ng mga otoridad ang mahigit 5-K square meters na taniman ng Marijuana sa Barangay Ngibat sa bayan ng Tinglayan.
Ayon kay PDEG Director PBGen. Eleazar Matta mahigit 54,500 piraso ng fully grown marijuana ang kanilang binunot na ayon sa pagtaya ng PNP ay nagkakahalaga ito ng 10.9-M.
Bagama’t walang naaresto agad na sinunog ang mga nasabing puno ng marijuana alinsunod sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Sinabi ni Matta na mananatiling nakabantay ang kanilang hanay sa mga lugar na may nakatanim na marijunan upang agad itong wasakin upang hindi na makasira pa ng buhay ng mga Pilipino lalo na sa mga kabataan.
