Kingdom News
Mahigpit na pagbabantay sa mga kabataan sa paggamit ng internet, dapat tutukan – PACQ
Dapat mas paigtingin ang pagbabantay sa mga kabataan na gumagamit ng internet ayon kay Pastor Apollo C. Quiboloy lalo na’t papalapit na ang pagsisimula ng klase.
Ito’y kasunod ng isinigawang pag-aaral na nagpapakita na 20% o tinatayang 2-M kabataan na gumagamit ng internet mula 12-17 anyos sa Pilipinas ay naging biktima ng online sexual exploitation at abuse sa loob laman ng 1 taon.
Dagdag pa ng butihing pastor na dahil sa internet at social media, ang lahat ng uri ng tsismis, maling balita at ibang bagay na nakasisira ng utak ay madali nalang kumalat at tanggapin ng mga tao kaya’t kinakailangang bantayan ang mga kabataan sa kanilang naririnig at nakikita.
Ngayong Agosto 29 magbubukas na muli ang klase sa buong bansa at nanatili pa rin ang opsyong gawin ang pagtuturo online sa ilalim ng blended learning delivery modality (BLDM).
