Connect with us

Makabayan Bloc, ‘di kayang kundenahin ang CPP-NPA NDF – NTF-ELCAC

Hinamon muli ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang Makabayan Bloc na kundenahin ang mga krimen na nagawa ng mga komunista sa bansa.

National News

Makabayan Bloc, ‘di kayang kundenahin ang CPP-NPA NDF – NTF-ELCAC

Hinamon muli ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang Makabayan Bloc na kundenahin ang mga krimen na nagawa ng mga komunista sa bansa.

Ginawa ni Usec. Lorraine Badoy ang hamon matapos magpalabas ng mahabang listahan ang AFP ng mga ginawang pagpatay ng mga komunista, maging ang mga illegal na gawain ng mga ito tulad ng pagrerecruit ng mga child soldiers mula 2010-2020.

Ang nasabing listahan ay isinumite ng AFP sa tanggapan ng Commission On Human Rights.

“We’ve been waiting for them to denounce the terrible crimes of the CPP-NPA-NDF (Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front) against the Filipino people for the past 52 years and so far the silence again is deafening,” ang sabi ni Badoy.

Maliban sa mga kongresista ng Makabayan Block ay hinamon din ni Badoy ang grupo ng “Karapatan” na idenounce ang CPP NPA NDF dahil sa paglabag ng mga ito sa mga international humanitarian law.

Matatandaan na minsan na ring hinamon ni Badoy ang mga makakaliwang grupo na idenounce ang CPA NPA NDF sa mga pagdinig sa Senado.

Maliban sa security sector, ito rin ang hamon ng mga dating kadre ng komunistang grupo sa naturang pagdinig.

Una namang sinabi ng mga dating Kadre tulad ni Ka Eric, na ang pagtatakwil o pagdenounce sa CPP ay isa mga bagay na hindi kayang gawin ng mga terorista.

Sinabi pa ni Badoy, “That is the challenge. You can still maybe redeem yourselves and denounce what ought to be denounced.”

Samantala, sa isang magkaparehong prescon ay isa si Pastor Apollo C. Quiboloy, Executive Pastor ng The Kingdom of Jesus Christ sa mga pinasalamatan ng NTF ELCAC dahil sa suportang ibinibigay nito sa taskforce at sa kanilang layunin na pabagsakin ang mga komunista.

Ilan pa sa mga pinasalamatan ng taskforce ay sina Senate President Tito Sotto III at Representative Lucy Gomez dahil sa pagdepensa sa budget ng NTF ELCAC.

“Sila po ang mga personalities na nagbibigay ng lakas samin sa NTF ELCAC para mas magampanan pa po ang aming tungkulin na wakasan ang ating local armed conflict, ayon kay DILG USec. Jonathan Malaya , isang tagapagsalita ng naturang ahensiya.

More in National News

Latest News

To Top