COVID-19 UPDATES
Makati LGU, sasagutin ang gastos ng cremation ng mga residente na nasawi sa COVID-19
Sasagutin na ng Makati City Government ang gastos sa cremation ng kanilang mga residente na nasawi dahil sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Makati Mayor Abby Binay, ito lamang aniya ang kanilang magagawa para tulungan ang pamilya ng mga nasawi.
Posted by My Makati on Monday, 13 April 2020
Ang city government ay nakipagtulungan sa Newlife Techwin Inc. na magbibigay ng 2 crematory machines sa lungsod.
Sinabi ng alkalde na nagkakahalaga ang cremation ng mga labi ng P18,300 kada isang tao.
Siniguro naman ni Binay sa mga residente ng Makati na ligtas at susunod sa mga protocol na itinakda ng Department of Health (DOH) ang proseso ng cremation.
Sa ilalim rin ng memorandum of agreements ng Makati sa Newlife Techwin, ang kumpanya ang mangangasiwa ng crematory procedures sa lungsod sa isang taon at tutulong sa Makati sa pagpapatayo ng pansamantalang crematorium sa Makati Park and Garden.
