Connect with us

Mala-“Martial Law”, ipatutupad kung dadami pa ang mga violators ng ECQ – PNP

Mala-“Martial Law”, ipatutupad kung dadami pa ang mga violators ng ECQ - PNP

COVID-19 UPDATES

Mala-“Martial Law”, ipatutupad kung dadami pa ang mga violators ng ECQ – PNP

Posibleng mala-“martial law” ang ipatutupad na hakbang ng Philippine National Police (PNP) sa ilalim ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte kung magpapatuloy pa ang pagdami ng mga lumalabag sa umiiral na enhanced community quarantine sa buong Luzon

 “Kami po, ang aming Commander-in-Chief, anong sabihin nyan, yun po ang nararapat. At yun naman po ay mas alam po ng ating pangulo with his advisers kung ano po ang makakaganda para sa ating bayan,” giit ni PNP Lt.Gen. at Joint Task Force COVID-19 Shield Commander Guillermo Eleazar.

Ito’y matapos aniya na napuna ng pangulo ang mga ulat na mataas parin ang kaso ng violators lalong-lalo na pagkatapos ng holy week.

Paalala naman ni Eleazar, mas mainam na makipagtulungan nalang sa otoridad ngayong two weeks nalang ang nalalabi sa ipinatutupad na enhanced community quarantine.

 “Less than two weeks nalang po, pagsumikapan natin, pagtulong-tulungan natin. Yun pong mga pasaway, kayo po ay makonsensya. Ang pulis ay hahabol sa inyo, hindi po kami titigil dahil ayaw nating masayang itong ating ginagawa.

More in COVID-19 UPDATES

Latest News

To Top