Connect with us

Malabong probisyon ng CREATE law, pinaamyendahan sa Senado

Malabong probisyon ng CREATE law, pinaamyendahan sa Senado

National News

Malabong probisyon ng CREATE law, pinaamyendahan sa Senado

Nais ni Senador Win Gatchalian na amyendahan ang mga malabong probisyon ng Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Act, upang matugunan ang mga isyu tulad sa hindi malinaw na Implementing Rules and Regulations (IRR) ng batas.

Si Gatchalian, chairperson ng Senate Committee on Ways and Means, ay naghain ng Senate Bill No. 2654 na tinatawag na Enhancing Philippine Tax Incentives (CREATE More).

Sinabi ni Gatchalian na 3 taon na kasi matapos maipasa ang CREATE law, na isinabatas noong Pebrero 2021, hindi pa rin malinaw ang IRR nito hinggil sa tax liabilities ng registered business enterprises (RBEs).

Ayon pa sa senador, ilan sa mga pangunahing problema sa pagpapatupad ng CREATE law ang entitlement sa VAT-zero rating sa local purchase incentives na nagre-require sa taxpayer na patunayan na ang mga naturang pagbili ay “direkta at eksklusibong” ginagamit sa kanilang mga rehistradong aktibidad.

Nagbibigay ito ng malawak na diskresyon sa Bureau of Internal Revenue (BIR) sa kung ano ang dapat isaalang-alang na “direkta” at “eksklusibo”, na nagreresulta sa pagpataw ng 12% VAT sa local purchases, sabi ni Gatchalian.

More in National News

Latest News

To Top