National News
Malacañang, hindi magpapatupad ng school closure sa Pilipinas sa gitna ng COVID-19
Walang magiging school closure sa gitna ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) outbreak.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, hindi susundan ng Pilipinas ang naging hakbang ng gobyerno ng Japan na pansamantalang isara ang lahat ng kanilang paaralan para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Paliwanag ni Panelo, wala pang rason sa ngayon na isara ang mga paaralan sa bansa.
Una ang tiniyak ng Department of Health (DOH) na ginagawa lahat ng pamahalaan para maiwasan ang pagkalat ng virus sa Pilipinas.
Sa ngayon, itinaas na ng World Health Organization (WHO) ang global risk sa COVID-19 sa maximum level.