National News
Malacañang, lumikha na ng Presidential Transition Committee
Lumikha na ang administrasyong Duterte ng Presidential Transition Committee.
Sa Talk to the People na inere ngayong araw, ika-12 ng Mayo, sinabi ni Executive Secretary Salvador Medialdea na makikipagtulungan ang komite sa mga kinatawan ng susunod na administasyon para matiyak ang maayos at mapayapang paglipat ng kapangyarihan.
Ayon kay Medialdea, titiyakin rin ng PTC na hindi matitigil o magagambala ang pagbibigay ng mga serbisyo sa gitna ng transition process.
Dahil wala pang proclamed winner, sinabi ni Medialdea na kailangan munang ihinto ang official talks sa ngayon ngunit kailangan aniyang simulan na ang mga paghahanda.
Pangangasiwaan ni Medialdea ang komite na tutulong sa bagong administrasyon.
Samantala, sinabi ng exeacutive secretary na nag-isyu ang Malacañang ng administrative order 47 na nag-uutos sa lahat ng ahensya ng gobyerno na bumuo ng kanilang sariling internal transition commitees para ihanda ang susunod na administrasyon.
