Connect with us

Malacañang, pinasinungalingang imbento ang ‘unbearable pain’ ni Pang. Duterte

National News

Malacañang, pinasinungalingang imbento ang ‘unbearable pain’ ni Pang. Duterte

Mariing pinasinungalingan ng Malakanyang na imbento lang ang matinding sakit na iniinda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang spinal column.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ‘absolutely false’ ang nasabing alegasyon, matapos lumabas sa social media na nagdadahilan lang ang Pangulong Duterte sa iniindang sakit para pagtakpan na napahiya ito sa Japan.

Napaulat na dahil una ng tinanggihan ni Pangulong Duterte noon at “last minute” nagpasyang dumalo pa rin sa enthronement ceremony ni Emperor Naruhito, hindi nabigyan ng kaukulang courtesy at welcome protocols ang Pangulo.

Napahiya umano ang Pangulo dahil sa hanay ng mga foreign ambassadors lamang sa likod siya isinama at hindi sa upuan ng mga heads of states at royalties.

Paliwanag ng Palasyo na mahigpit daw kasi ang Japan sa kanilang national protocols lalo sa imperial house at hindi basta nagbabago ng naitakda ng seating arrangements at nakasanayang tradisyon.

|Larawan mula sa Malacañang

More in National News

Latest News

To Top