National News
Malakanyang, kontento sa unang araw ng implementasyon ng community quarantine sa Metro Manila
Kontento ang Malakanyang sa unang araw ng implementasyon ng community quarantine sa Metro Manila.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, maganda ang implementasyon ng community quarantine kung saan mangilan-ngilan lang ang napansin nitong tao sa mga lansangan.
Alas-12:00 ng hatinggabi kahapon nang simulan ang community quarantine sa National Capital Region (NCR) na layong mapigilan ang kumakalat na Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Kasabay nito, muling iginiit ni Panelo na iba ang ipinapatupad na community quarantine sa martial law kahit pa nakadeploy ang mga sundalo at pulis.