Connect with us

Malakanyang, pinawi ang pangamba ng publiko sa muling pagbiyahe ng provincial bus

Pinawi ng Palasyo ang takot ng mamamayan matapos payagan nang bumyahe ulit ang mga provincial bus simula ngayong araw.

National News

Malakanyang, pinawi ang pangamba ng publiko sa muling pagbiyahe ng provincial bus

Pinawi ng Palasyo ang takot ng mamamayan matapos payagan nang bumyahe ulit ang mga provincial bus simula ngayong araw.

Ito ay sa gitna ng mga haka-haka na baka dumami ang mga kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa mga probinsya bunsod ng magiging labas-masok na mga biyahe ng mga bus sa Metro Manila.

Paliwanag ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, limitado lang naman sa tatlong lalawigan ang pahihintulutang makabiyahe papasok at papalabas ng National Capital Region (NCR).

Kabilang sa mga probinsiyang ito ay ang Cavite, Batangas, at Laguna.

Tiwala si Secretary Roque na walang masyadong malaking banta ng virus na idudulot ito dahil pareho lang naman aniya ang lebel ng mga kaso sa nabanggit na mga lugar na magiging ruta ng mga bus.

Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), bukas na simula ngayong araw, Sept. 30, ang 12 modified routes ng mga Provincial Bus.

Kaugnay nito, kailangang mayroong QR code ang bus na ibinigay ng LTFRB sa operator.

May requirement din sa mga operators na maglagay ng Global Navigation Satellite System upang ma-monitor ang pagbiyahe ng mga bus.

Hindi pwedeng dumaan sa EDSA ang mga bus na ito,  point-to-point ang biyahe at pwede lamang magbaba at magsakay sa designated stopovers at sa terminal.

More in National News

Latest News

To Top