Connect with us

Malakanyang, walang planong i-suspinde ang pasok sa eskwela at trabaho kahit may banta ng COVID-19 

Malakanyang, walang planong i-suspinde ang pasok sa eskwela at trabaho kahit may banta ng COVID-19 

National News

Malakanyang, walang planong i-suspinde ang pasok sa eskwela at trabaho kahit may banta ng COVID-19 

Walang plano ang Malakanyang na magdeklara ng suspensyon ng klase at pasok sa trabaho sa mga tanggapan ng gobiyerno sa kabila ng banta ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, walang nakikitang dahilan si Pangulong Duterte na i-suspendi ang pasok sa mga paaralan at trabaho sa gobiyerno.

Una na ring nilinaw ni Health Sec. Francisco Duque III na hindi niya inirekomenda sa mga local government units na magsuspinde ng mga klase.

Code red alert, itinaas na ng DOH sa COVID-19

Health Secretary Francisco Duque III

Tugon ito ni Duque matapos na magdeklara ng class suspensions ang Navotas, maging ang mga bayan ng Cainta at Taytay sa lalawigan ng Rizal.

Ayon kay Duque, hindi raw muna dapat nagdeklara ng class suspension ang mga lokal na pamahalaan hangga’t wala itong rekomendasyon mula sa Department of Health (DOH).

Sa ngayon, ang Pilipinas ay nasa Code Red Alert Status bunsod ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.

More in National News

Latest News

To Top