COVID-19 UPDATES
Pagbagsak ng ekonomiya ng bansa, lumalala dahil sa COVID-19 – DOF
Malala na ang epekto ng krisis na dala ng sa bansa.
Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez na mula sa gross domestic product (GDP) growth ay humagupit din ang epekto ng COVID-19 sa sektor ng mga manggagawa na pawang nawalan ng trabaho maging sa budget deficit ng bansa.
Ayon kay Dominguez, tinataya nilang hindi tumaas ang GDP growth kundi bababa pa ito sa minus one percent. Dagdag pa ng kalihim, na nasa 1.2-million din aniya ang bilang ng temporary unemployment ng Pilipinas dahil sa nararanasang krisis na ani Dominguez ay kanilang ikinumpara sa lowest unemployment rate na naitala ng bansa.
Tiyak din aniyang lalaki ang budget deficit na mula sa 3.2% ay posibleng umabot ito sa 5.3% na na ibig sabihin ay maraming palabas na pondo ang pamahalaan kaysa sa malilikom na kita.