Connect with us

Malawakang tigil-pasada, ibinabala vs pagsuspinde sa PUVMP

Malawakang tigil-pasada, ibinabala vs pagsuspinde sa PUVMP

Uncategorized

Malawakang tigil-pasada, ibinabala vs pagsuspinde sa PUVMP

Naglabas ng hinaing ang iba’t ibang grupo ng transportasyon laban sa liderato ng Senado.

Ito ay matapos ihayag ni Senate President Chiz Escudero na susuportahan niya ang planong resolusyon para ipanawagan ang pagsuspinde sa Public Utility Vehicle Modernization Program o PUVMP.

Plano kasi ni Sen. Raffy Tulfo, Chairperson ng Senate Committee on Public Services na maghain ng resolusyon para suspendihin ang naturang programa.

Ayon kay Escudero, naniniwala siyang susuportahan ito ng karamihan ng mga senador.

Aniya may mga isyu pa sa programa gaya ng financing scheme na kailangan muna maresolba bago ito ipatupad sa public transport sector.

Ang planong ito ng Senado ay kinundena ng grupong “Magnificent 7” na binubuo ng mga malalaking transport groups.

Kabilang na rito ang Pasang Masda, LTOP, ACTODAP, ALTODAP at iba pang grupo mula sa hanay ng transportasyon.

Para kay Obet Martin, Presidente ng Pasang Masda, hindi ito katanggap-tanggap dahil maraming mga operator ang nangutang na para makapasok sa kooperatiba.

Kung maaalala, milyun-milyong piso ang halaga o presyuhan ng bawat modern jeep na inuutang pa ng mga operator sa mga bangko.

Kinuwestyon din nila kung bakit hindi man lang daw kinausap ni Escudero ang mga industry player ng programa at malaman ang tulong ng PUVMP.

Oras na ituloy ng Senado ang resolusyon hinggil sa PUVMP ay magkakaisa aniya ang mga grupo para magkasa ng malawang tigil-pasada.

Kung ang mga transport group na sumuporta sa PUVMP ay tutol sa naging pahayag ni Escudero iba naman ang reaksyon ng ilang grupo.

Para kasi sa grupong Manibela na kontra sa programa ay welcome development daw ang pahayag ng pangulo ng Senado.

Habang pinuna rin ng Manibela ang planong tigil pasada ng Pasang Masda at iba pang grupo dahil sa kalsada pa rin pala ang bagsak ng mga ito.

Samantala, sa ipinadalang text message ni DOTr Undersecretary for Road Transport and Infrastructure Jesus Ortega na nirerespeto naman ng Transportation Department ang naging suhesyon ni SP Escudero.

Ngunit, tinanggap umano ito ng sektor ng transportasyon na may galit at lungkot sa malaking bahagi ng sektor.

Dagdag pa nito, tuloy-tuloy naman ang kanilang ginagawang komunikasyon sa mga operator na pumasok sa kooperatiba para maalalayan.

Matatandaan na matapos ang deadline ng consolidation noong Abril 30, 2024 ay umabot na sa higit 80 porsyento ng mga operator ng PUV ang pumasok sa kooperatiba para sa implementasyon ng PUVMP.

Ngunit, ilang porsyento pa rin ng mga nasa hanay ng transportasyon ang tutol dahilan para hindi lumahok sa programa.

Continue Reading
You may also like...

More in Uncategorized

Latest News

To Top