Connect with us

Malaysia, ayaw makipagtulungan sa Alice Guo case — DOJ

Malaysia, ayaw makipagtulungan sa Alice Guo case — DOJ

National News

Malaysia, ayaw makipagtulungan sa Alice Guo case — DOJ

Tumanggi ang Malaysia na magbigay ng impormasyon hinggil sa pagtakas ni dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Ibinahagi ito ni Department of Justice (DOJ) Sec. Boying Remulla nitong Miyerkules, March 19, 2025.

Sa isang panayam ay sinabi ng kalihim na kakaiba aniya ang kaso ni Guo dahil sa pagtanggi ng Malaysia na makipagtulungan sa Pilipinas.

Ginawa aniya ng pamahalaan ang lahat ng makakaya nito ngunit mistulang naging matigas na pader ang Malaysia.

Matatandaan na noong nakaraang taon ay tumakas si Guo mula sa Pilipinas patungong Malaysia.

Ito’y para makaiwas sa mga kasong kinakaharap niya kaugnay sa ilegal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Noong September 2024 na nang maaresto sa Indonesia si Guo matapos tumakas naman mula sa Malaysia.

More in National News

Latest News

To Top