Connect with us

Maliliit na negosyo, apektado ng panibagong wage hike sa NCR – ECOP

Maliliit na negosyo, apektado ng panibagong wage hike sa NCR – ECOP

National News

Maliliit na negosyo, apektado ng panibagong wage hike sa NCR – ECOP

Makakatanggap na ng dagdag na P35 na kanilang araw ang sahod ang mga manggagawa sa National Capital Region (NCR).

Ito’y matapos aprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) ang hirit na umento sa sweldo.

Mula sa kasalukuyang  P610, ay magiging P645 na ang daily minimum wage ng mga manggagawa.

Pero ang ibang minimum wage earner, naliliitan pa rin sa P35 na umento habang ang iba naman ay no choice na raw kundi ang tanggapin at pagkasyahin ang kakarampot na dagdag-sahod sa gitna ng walang humpay na taas-presyo sa mga bilihin at serbisyo sa merkado.

Ang Trade Union of Congress of the Philippines (TUCP), bagamat dismayado ay hindi na raw nagulat pa na mula sa hirit nilang P100 mahigit na dagdag na sahod ay P35 lang ang inaprubahan.

Ani Paul Gajes, ang legislative officer ng TUCP, “We would say that we were not surprised kasi early on,  meron nang pahaging ang business sector that all they can give is 16 to 25 but still you know we are very much disappointed kasi we have been arguing for a 150 above increase in fact we ties it with our legislative wage hike call. Matutuwa ba ang mga workers sa P35 increase? What is the worth of P35?”

Ang  mga negosyante sa ilalim ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP), wala raw magagawa kundi sumunod sa panibagong wage hike kahit pa noong nakaraang taon ay nag taas na sila ng pasahod sa kanilang mga empleyado.

Ayon kay ECOP President Sergio Ortiz, ang pinaka apektado sa panibagong wage hike ay ang mga maliliit na negosyo na maaaring mag sara dahil sa panibagong umento.

“Ang constitution ‘yan ng mga employers, 90% ay micro. Actually, hindi namin mga myembro yon pero mahihirapan yon. Yong marami doon sa small miyembro namin. Iyong mga yon, marami din doon ang medyo mahihirapan pa kasi nag-aadjudst pa dahil sa bagong increase noong huli,” saad nito.

Sabi pa nito, ang panibagong wage hike ay maaaring mag bigay daan para mas tumaas pa lalo ang presyo ng mga bilihin at serbisyo na inaalok ng mga negosyante.

Kailangan daw kasi nila ng bawiin dito ang mga gagastusin para sa panibagong wage hike.

More in National News

Latest News

To Top