Connect with us

Mambabatas, ‘di sang-ayon sa agarang deployment ban ng OFWs sa Kuwait

Mambabatas, ‘di sang-ayon sa agarang deployment ban ng OFWs sa Kuwait

National News

Mambabatas, ‘di sang-ayon sa agarang deployment ban ng OFWs sa Kuwait

Hindi sang-ayon si Cong. Ron Salo, ang chairman ng na magkaroon ng agarang deployment ban ng OFWs sa Kuwait.

Sa panayam ng Sonshine Radio, sinabi ni Salo na limitahan muna ang bilang nang ipapadalang domestic helper sa Kuwait.

“Unti-unti po nating limitahan but not necessarily as of the moment ‘yung drastic na binabangit po na iyon na magkakaroon po immediately ng deployment ban. Unti-untiin po nating habang ina-address po natin ‘yung ibang mga markets, ibang mga lugar kung saan magkakaroon po ng more opportunities sa mga kababayan po natin. At the same time, unti-unti rin nating i-upgrade ‘yung skills po ng mga kababayan po natin. This is precisely ang kailangan po natin bigyan po ng mga skills ‘yung kababayan po natin para kung saan po sila magta-trabaho they would not be considered part of this vulnerable sector,” ani Cong. Salo.

Mas maganda rin aniya na mabibigyan ang mga kababayang Pilipino ng ibang skills upang sakaling maghahanap ito ng oportunidad abroad, hindi ito mapapabilang sa tinatawag na vulnerable sector gaya ng domestic helpers.

“Of course, ‘yung mga kababayan po natin kung mayroon silang opportunities na nakikita po sa bansa po natin, then they would not have to go through this process. Subalit sa kasalukuyank, siyempre nakikita natin ‘yung kakulangan subalit nandito parin ‘yung ating  pamahalaan na ginagawa ang lahat para mabigyan po ng opportunities dito locally ‘yung mga kababayan po natin para hindi na po nila kailangang danasin pa itong mga sinasapit po ng mga ilang kababayan po natin abroad,” dagdag pa nito.

Ipinaliwanag rin ni Cong. Salo kung bakit marami pa ring nakikipagsapalaran sa abroad kahit may mga ulat na maraming inaabusong domestic helper.

 

 

 

Continue Reading

More in National News

Latest News

To Top